Welcome! Tuloy po kayo sa Samahang Hagonoy, USA

....ang aming munting nakayanan
Home
Boses ng Bayan sa Konseho
2010 Dinner Dance
Induction of officers '09
Elected Officers 2009-11
Modjeska Park Picnic
Induction of Officers '07
Calas Park
2008 Dinner Dance
couples
Congratulations
Events/Announcements
Las Vegas turn-around
SHUSA's Past Awardees
Distribution of Donations to the fire victims
SCHOLARSHIP
DIRECTORY
Old pictures
Photo page
Team San Agustin (:
Baby Calalang 65th birthd
Happy Birthday
Guest book page
Contact Us
Hagonoy under water
 
    Boses ng Bayan sa Konseho
 
                  
 Kon. Jeric G. Contreras 
         Si Mayor kung tawagin ay ipinanganak nuong ika -10 ng Hulyo, 1985 nina Eriberto "Inggo" Contreras ng San Agustin,isang tsuper ng jeepney na may rutang Malolos, karatig at Marina Guiam na sa kasalukuyang ay nasa ika dalawang taon ng pagkakapiit sa salang over-staying sa bansang Hapon.Isang tunay na anak ng Hagonoy na nagtapos bilang Valedictorian sa San Agustin Elementary School.Nagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa St.Anne's Catholic High School (SACHS), muli, bilang Valedictorian.Dahil sa kanyang angkin galing at husay sa pamumuno,hinalal siya ng mga mag-aaral ng SACHS bilang Student Mayor o Student Council President nuong  2001.Kasabay nito, hinirang din siyang Little Mayor ng Bayan ng Hagonoy.Dahil sa mga posisyong nabanggit kaya siya tinaguriang Mayor.
           Pumasok si Mayor sa San Beda College (SBC),Mendiola.
Ang istitusyong pinanggalingan ng mga magigiting na lider ng bansa tulad nina Sen. Ninoy Aquino,Raul Roco,Rene Saguisag
Raul Mitra,Danding Cojuangco,Sonny Belmonte,Pangilinan,FPJ, atbp.Kumuha siya ng 
A.B.Philosophy and Human Resource Management.Sa kanyang apat na taong pag-aaral, humakot siya nang hindi mabilang na mga parangal at papuri.Lahat silang apat na magkakapatid ay nagsipagtapos nitong Marso,Class of 2007, at tulad ng inaasahan, mataas na karangalan na naman, Cum Laude ang tinanggap niya.
              Siya ang kasalukuyang Pangulo ng Philosophy and Human Resource Circle sa San Beda, kasalukuyang tagapayo ng Council of Filipino Philosophers (CoFPhi) Hinawakan din niya nuong 2004 ang pagiging National President ng CoFPhi na kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa Ateneo de Manila,De La Salle, UST , Mirriam College at UP-Diliman. Siya rin ang kasalukuyang SK Councilor sa San Agustin at kasalukuyang Pangulo ng Liga ng mga SK Councilors sa Hagonoy. Sa gulang na dalawampu at dalawa,inihalal siyang konsehal ng bayan.
              Si Kon. Jeric ay hindi lamang isang mahusay na batang lider kundi isa ring mahusay na manunulat, sa katunayan,pinagkakatiwalaan siya ng No.1 na Broadsheet sa bansa, ang Philippine Daily Inquirer na magsulat ng mga lingguhang artikulo tungkol sa mga Overseas Filipino Workers na inilalathala tuwing linggo.At isa na rito na mababasa (pindutin po ang Archives sa Phil Daily Inquirer na may petsang June 15,2007) ang kasaysayan ng kanyang ina na kasalukuyang nakapiit sa ibang bansa.Pinangunahan din niya sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ang boses ng bayan ay madinig at masagot live sa konseho sa pamamagitan ng Yahoo Messenger tuwing Sabado, ika 3-5 ng hapon.
              Sa di-inaasahang pangyayari nuong Nobyembre 14,2007, sa kanyang pag-uwi ay naaksidente ang sinasakyan niyang motorsiklo na naging sanhi ng kanyang pagpanaw.Sa kasalukuyan,ang labi ay nakahimlay sa kanyang tahanan sa San Agustin at naghahanap ng paraan ang mga kamag-anakan kung paano makaka-ugnayan ang nakapiit na ina (bawal o walang ugnayan mula ng mapasok sa piitan).
              Matatandaan na bumisita at bumati dito sa website ng SHUSA si Kon. Jeric upang ipa-alam sa ating mga kababayan ang bagong Sangunian ng Hagonoy ay ginagawa ang lahat ng pababago.
             Ibinurol ang kanyang labi sa Gusali ng Sangguniang Bayan ng Hagonoy nuong Huwebes at matapos ang luksang parangal, inihatid sa kanyang huling hantungan sa Hagonoy Cemetery nuong Sabado , Nob 24, 2007 na hindi man lang nasilayan ng kanyang ina.
 
     Ang Bagong Pamahalaan
 
 
          Taga-pangulo, Lupon ng Pananalapi
 

        Mr & Ms SACHS 2007 ,Hurado 
 
 
           Van Aralan
 
 
 
                Kon. Jeric w/ Makati City Mayor Jejomar Binay
                      w/ San Juan City Mayor JV Estrada
                      w/  Sen. Francis Escudero
 
                   CUM LAUDE ng BAYAN